TRO vs plunder case inihirit ni GMA sa SC

NAGHAIN ngayon ng petisyon sa Supreme Court ang kampo ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo upang ipahinto ang nakatakdang pagdinig ng Sandiganbayan sa kaso nitong plunder.

Batay sa 80 pahinang petition for certiorari and prohibition na inihain ng kampo ni GMA sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Anacleto Diaz,  hiniling nito sa Kataas-taasang Hukuman na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para hindi matuloy ang hearing laban kay GMA sa kasong pandarambong.

Nais din ng kampo ni GMA na baligtarin ang naunang desisyon ng anti-graft court at ombudsman na nagdedetermina ng probable cause upang  magpatuloy ang kasong plunder laban sa dating Pangulo.

Si Arroyo at 9 na iba pa ay kinasuhan ng plunder dahil sa maanomalyang paggasta ng pera ng PCSO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply