Tropang Texters sasaluhan ang Gin Kings

DADAAN na naman sa butas ng karayom ang Global Port Batang Pier dahil makahaharap nila bukas ng hapon ang malakas na koponang Talk ‘N Text Tropang Texters sa PBA Philippine Cup eliminations na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Durog ang Batang Pier sa kanilang unang dalawang laro kaya naman nasa ilalim sila sa team standings habang pakay ng Tropang Texters na ilista ang ikalawang sunod na panalo upang saluhan ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings sa tuktok.

Unang nabigo ang Global Port noong opening day ng 38 season laban sa Gin Kings, 90-110 at sumunod sa Air21 Express, 81-88 noong Linggo.

Kailangan ng bagong sali sa ligang Global Port na makasilat sa Tropang Texters sa kanilang 5:15 p.m. encounter upang hindi sila mabaon ng todo.

May kartang 1-0 ang TNT matapos talunin ang Meralco Bolts, 112-110 sa overtime.

Sa second game na mag-uumpisa ng 7:30 ng gabi, maghaharap ang Rain or Shine Elasto Painters at Express.

Parehong may barahang 1-1 win-loss slate ang Elasto Painters at Air21.

Samantala, kahapon ay sinalto ng Petron Blaze Boosters ang asam ng Barako Bull Energy Cola, 98-89 na saluhan ang Gin Kings sa tuktok ng liderato.

Hindi pinaporma ng Boosters ang Energy Cola sa apat na quarters kung saan ay naitala ng una ang pinakamalaking lamang na 20 puntos sa third period.

Naibaba ng Barako Bull ang lamang sa limang puntos sa fourth canto subalit hindi ito hinayaan ng Petron na tuluyang malusaw ang kanilang lamang.

Si Chris Lutz ang umarangkada sa opnesa para sa Boosters ng ilagak nito ang kanyang 22 points, 6 rebounds at 3 rebounds sa 37-minute job.

Bumakas din si Arwind Santos ng double-double sa 29 minutes mula sa 18 markers at 11 boards habang si Alex Cabagnot ay nag-ambag naman ng 16 points.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply