TS Nina typhoon category na, palapit sa Cagayan area

TYPHOON category na ang Tropical Storm Nina habang papalapit ito sa Cagayan area sa Northern Luzon, ayon sa ulat kaninang umaga ng state weather forecasters.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na posibleng mag-iba ang direksyon na tinutumbok nito at lumayo na lamang ng bansa nang hindi tumatama sa kalupaan.

“TS Nina has intensified further as it continue to traverse the northeastern section of the Philippine Area of Responsibility (PAR). Nina is still too far to affect the country directly, but the Bicol region and the whole Visayas will have light to moderate rains or thunderstorms,” paliwanag ni GMA resident meteorologist Nathaniel “Mang Tani” Cruz.

“With the weakening southwest wind flow, The rest of Luzon and Mindanao will have brief rainshowers and thunderstorms. In Metro Manila, partly cloudy with high possibility of afternoon or evening rainshowers or thunderstorms is expected,” dagdag pa nito.

Habang aniya kumikilos si Nina ng pa-kanluran, may tiyansa pa rin itong lumihis patungong silangan at lumabas sa teritoryo ng bansa.

Sa kasalukuyan, siniguro ng Pagasa sa publiko na wala pang itinataas na  storm warning signal sa Pilipinas.

Pero inaasahan  naman na magiging maulan sa Bicol, Visayas at Davao, habang magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila.

Sa update naman ng Japan Meterological Agency’s (JMA’s) ng alas 5:45 a.m., inilarawan nito ang Typhoon Nina na isang malakas na klaseng bagyo.

Sa  4 a.m. Pagasa bulletin, huling namataan ang Typhoon Nina sa layong 1,050 km silangan  ng Cagayan, na may h maximum winds na aabot sa 120 kph malapity sa sentro at pagbugo na 150 kph.

Sinasabi rin na kikilos ang typhoon Nina ng pa-kanluran sa bilis na kph.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply