Tserman sa Maynila tiklo sa shabu sa Quezon City

SWAK sa kulungan ang isang barangay chairman sa Maynila at ang kasamahan nitong lalaki nang mahulihan ng shabu sa harap ng isang fast food chain sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City kaninang umaga.

Sinabi ni Police Superintendent Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police Station 11, nakakulong na sa kanilang piitan ang si Eduardo Sorsilino, 56-anyos, kapitan ng Barangay B-771, at residente ng Leveriza St. Malate, Maynila at ang kasama nitong si Herminihildo Patdu, 59-anyos at isang negosyante.

Ayon pa kay Babagay, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Galas Police Station 11 dakong alas-8:30 ng umaga nang makitang nag-aaway sina Sorsilino at Patdu sa tapat ng isang sabungan.

Nang lapitan ang dalawa para awatin, nakitaan sila ng mga pulis ng 2 sachet ng shabu. Kinumpiska na rin ng pulisya ang sasakyan  ni Sorsilino.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o illegal possession of illegal drugs ang mga naaresto at hindi ito pinayagang magpiyansa ni QC Assistant Prosecutor Alesandro Hurado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply