Tsismosong kapatid binaril ni kuya, patay

DEAD on arrival sa pagamutan ang nakababatang kapatid matapos barilin ng kanyang sariling kuya dahil lamang sa mga nasagap na tsismis na pinagsasabi umano ng biktima sa Brgy. Gines Patag, Cabatuan, Iloilo.

Sa ulat na nakarating sa Camp crame kahapon, kinilala ang namaril na kuya na si Resurreccion Mandar, 37 anyos, may asawa.

Nagawa pang itakbo sa pagamutan ang biktimang si Jovito Mandar, 28, ng nasabi ring barangay.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Cabatuan Municipal Police Station, nagkaroon umano ng pagtatalo ang magkapatid matapos marinig ng nakatatandang kapataid na may pinagsasabi ang kanyang nakababatang kapatid laban sa kanya.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, binaril ng suspek ang kanyang nakababatang kapatid na tumama naman sa tiyan nito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Kaagad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek subalit hindi na na-recover ang 12-gauge shotgun na sinasabing ginamit nito sa pagbaril sa kanyang kapatid.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply