Tsunami warning ikinasa kasunod ng magnitude 7.7 na lindol sa Canada

VANCOUVER, Canada – (Updated) Naglabas na ngayon ang Pacific Tsunami Warning Center ng tsunami warning kasunod ng magnitude 7.7 na lindol na tumama sa British Colombia.

Batay sa ulat, partikular na itinaas ang tsunami warning sa coastal areas mula sa northern tip ng Vancouver Island hanggang sa Cape Decision, o nasa 135 kilometro ng Sitka, Alaska.

Sinabihan na rin ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa bawat instructions na iaanunsyo ng mga local emergency officials.

Ganap na alas-8:00 ng Sabado ng gabi o alas-11:00 naman ng Linggo ng umaga sa Pilipinas nang inilabas ang nasabing babala.

“A major earthquake occurred in the Haida Gwaii region (formerly known as the Queen Charlottoe Islands). It was felt across much of north-central B.C., including Haida Gwaii, Prince Rupert, Quesnel and Houston. There have been no reports of damage at this time,” saad ng Natural Resources Canada.

Naitala ang epicenter ng lindol 40 kilometro sa timog ng Sandspit, B.C. sa lalim na 19 kilometro.

Dagdag ng Pacific Tsunami Warning Center, may posibilidad na magkaroon ng “widespread dangerous coastal flooding accompanied by powerful currents.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply