Tsuper naipit ng trak sa NAIA, sugatan

SUGAT sa paa ang tinamo ng isang tsuper makaraang maipit ito sa minamanehong 10-wheeler truck sa departure ramp ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kaninang umaga.

Pasado alas-8:00 ng umaga ay ayaw umanong umandar ng trak ng biktimang si Joel Herrnan. Dahil dito, tiningnan nito ang problema at tinanggal niya ang pangkalsa ng naturang trak na biglang dumausdos.

Pinagtulungan namang alisin ng mga nakakita sa tsuper habang naghihintay ng magsasagawa ng first aid dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply