Tubig sa Marikina River, bantay sarado na

BANTAY sarado na ang Marikina River dahil sa malakas na buhos ng ulan mula kaninang madaling araw.

Sa kasalukuyan, patuloy na mino-monitor ng Marikina City government ang level ng tubig sa Marikina River sa pangambang pag-apaw nito.

Ito’y makaraan ang malakas na ulan na nagsimula kaninang madaling araw hanggang kaninang umaga.

Sinabi ni Marikina Mayor Del De Guzman, na patuloy silang nakaantabay sa posibleng pagtaas ng water level sa ilog.

Ayon kay De Guzman, mula pa kaninang alas 5:00 ng madaling araw, nasa 14.1 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Dakong alas-4:00 nang magsimulang lumakas ang ulan sa kalakhang Maynila dulot ng tropical depression na namataan sa kanluran ng Northern Luzon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply