Tulak na most wanted sa Pasay nalambat

NAARESTO ng mga tauhan ng Pasay City police ang isang tinaguriang “most wanted” dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa lungsod.

Iprinisinta kahapon ni Pasay City Officer-In-Charge Police Chief Supt. Samuel Turla ang suspek na kinilalang si Arturo Plana alyas “Arthur” residente ng Barangay Merville ng naturang lungsod.

Ayon kay Supt. Turla, ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 110 Judge Petronilo Sulla

Kasamang naaresto ng mga tauhan ng warrant and Subpoena Section ang isang alyas “Tata” na sinasabing galamay ni Arthur.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu isang fragmentation grenade, mga basyo ng bala ng baril, tatlong basyo ng 12 gauge shotgun at isang kalibre .38

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply