Tulak utas sa engkuwentro sa Maynila

TODAS ang isang hinihinalang pusher nang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Manila Police District sa Tondo, Maynila, kagabi (Oktubre 4).

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD Homicide, kinilala ang suspek na si Ogie M. Abid, 29, ng Sarangani Province at naninirahan sa Block 15, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon sa pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang MPD-Station 2 kaugnay sa talamak na bentahan ng shabu sa Purok 2 Isla Puting Bato sa Tondo.

Agad na naglatag ng operasyon ang tropa ni Police Senior Inspector John K. Guiagui at pagdating sa nabanggit na lugar ay nakita ang grupo ng kalalakihan.

Agad na nagtakbuhan ang mga kalalakihan nang mapansin ang tropa ng pulis.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa makarating sa isang barong-barong kung saan nadatnan ang tatlong lalaki kasama si Abid.

Nakatakas ang dalawang kasamahan ng suspek, habang si Abid, sa halip na sumuko ay nakipaghabulan at nakipagbarilan pa sa pulisya.

Narekober ng MPD sa crime scene ang kalibre 38 na ginamit ni Abid sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Maliban sa illegal drugs, si Abid ay isinasangkot din sa mga nagaganap na krimen sa Baseco kabilang na dito ang pagpaslang kay SPO2 Panlilio at sa asset ng naturang police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply