Tulong para sa football fields ng MSP at MARIST

NAPAKALAKING tulong sa isang LGU ang may mga pri-badong kompanya na kusang nag-aalok ng tulong o nag-i-sponsor. Lalo na sa mga ma-liliit na siyudad tulad ng Marikina.

Kaya’t laking tuwa ko nang tumawag ang ninong ng anak kong si Juan Pablo na si Ernie Nierras. Gusto raw ga-wing homefield ng bagong buong koponan ng Sta. Lucia Football Club ang football field ng Marikina Sports Park (MSP). At handa silang sagutin ang gastusin para ayusin ito.

Si Nierras ang coach ng Malditas, ang women’s soccer team ng bansa at counterpart ng Azkals. Siya rin ang team owner ng Stallion FC sa Division 1 ng United Football League (UFL).

Tinulungan umano niya ang Sta. Lucia na bumuo ng bagong koponan nito sa Division 2  Inirerekomenda niya kay Mayor Del R. De Guzman na gawing artificial turf ang ilagay imbes na damo para walang problema sa maintenance.

Mas okey raw ‘yun, sabi ni MSP Administrator Totoy Llabres. Kaso raw napaka-mahal nu’n. Aabutin daw ng P25 milyon. Sabi ni Nierras na sa tingin niya kaya na sa sampung milyon ang sa Marikina dahil sa ayos pa naman ang drainage system nito at meron na naman itong ilaw.

Si Nierras kasi ang nag-design ng artificial pitch sa Bonifacio Global City so alam niya ang sinasabi niya.

Bukod daw rito, hindi naman daw Marikina ang gagastos kasi handa ang mga Robles ng Sta. Lucia na sagutin ito.

So, sana nga matuloy ang alok na ito ng Sta. Lucia sa pamamagitan ni Nierras. ‘Di na kasi natuloy ang pag-sponsor ng Smart Communications sa pag-rehabilitate ng MSP pitch.

Ayon kay Pato Gregorio, VP for Sports ng Smart at SVP naman sa Maynilad, tatawagin sana itong Smart MSP football field kung nagkatuluyan. Ito rin ang arrangement nila sa mga Araneta kayat naging Smart Araneta Coliseum.

Mabuti naman at tuma-wag si Nierras dahil nakahingi ako ng tulong para sa Marist Football Club (MFC) kung saan player ang inaanak nya.

Papalitan daw nila ang damo sa University of Makati at ang damo nito ay puwede niyang ilipat sa Marist kung gusto ng Marist Brothers.

O, baka meron pang mga matataba ang puso na gustong mag-donate o tumulong sa amin sa Marist Football Club?

Email niyo lang ako sa paulsison@ideasman.org.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply