Tumangging makipagtalik pinugutan

HERAT, Afghanistan – Pinugutan ng ulo ang isang babae sa western Afghanistan matapos tumangging makipagtalik sa hindi niya kilalang lalaki.

Mismong ang mother in law ang nagbugaw sa  biktimang si Mah Gul, na matulog sa tabi ng isang lalaki sa kanilang bahay.

Kaugnay nito, apat katao na ang inaresto ng pulisya sa Afghanistan na kinabibilangan ng biyenan ng babae at lalaki ng biktima, ang mismong suspek na pumugot sa ulo nito at maging ang sariling asawa nito.

Ayon sa pulisya, apat na buwan palang ikinakasal ang biktima sa kanyang asawa at ilang beses na siyang puwersahang ipinapasok sa prostitusyon pero palagi siyang tumatanggi.

“We have arrested her mother-in-law, father-in-law, her husband and the man who killed her,”  wika ni provincial police chief Abdul Ghafar Sayedzada.

Depensa naman ng suspek na si Najibullah, ang nasabing mother-in-law ang nag-udyok sa kanya na patayin ang 20-anyos pa lamang na biktima sa pagsasabing isa itong prostitute.

“It was around 2:00 am when Gul’s husband left for his bakery. I came down and with the help of her mother-in- law I killed her with a knife,” paliwanag ni Najibullah.

Ang insidenteng ito ay kasunod lamang nang nangyaring pamamaril sa 14-anyos na bata sa Pakistan na matapang na nagsalita laban sa Taliban Islamists.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply