Udpate: 7 minasaker sa loob ng bahay, patay

RIZAL—Pito katao ang patay kabilang ang dalawang menor de edad matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na suspek habang nag-iinuman kaninang madaling araw sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan ang mga biktima na sina Webb Santos, 40 anyos, asawang si Alma, 35 anyos;  Darmo Rivera, 20 anyos; Roberto Talagtag @ boknoy, 18 anyos; John Michael Gardose, 18 anyos; Joshuan Tuanzon, 16 anyos at Judy Ann  Severo, 16 anyos, pawang residente ng Phase 1F Sub Urban, Brgy. San Jose ng nasabing lugar.

Ligtas naman ang dalawang anak ng mag-asawa na nasa ikalawang palapag ng bahay at nagtago ng makarinig ng putukan.

Kaswal namang naglakad papalayo ang mga suspek na pawang armado ng maiikling baril at nakasuot ng itim na jacket at bullcap sa hindi pa mabatid na direksiyon.

Sa ulat, naganap ang pagmasaker sa mga biktima dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Blk.3, Lot 241,Phase 1F, Sub Urban, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na kasalukuyang nag-iinuman ang mga biktima nang biglang pasukin ng dalawang suspek at saka pinagbabaril habang nagsilbing look- out naman ang dalawa pa.

Nabatid pa na ang anim na biktima ay dead on the spot habang si Alma Santos ay nagawa pang isugod sa Montalban Infermary Hospital kung saan ideneklarang dead on arrival.

Ayon sa Montalban PNP si Webb Santos ay nasa watchlist ng MAIDSOTF dahil sa pagtutulak ng droga at minsan na ring nakulong sa kaparehong problema.

Narekober sa crime scene ang  20 pieces cs fired cartridge cases, 11 deformed fired bullets, 1 metallic fragment, 1 cartridge, aluminum foil, plastic sachet na mayroong traces ng white crystalline o shabu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply