UE sumandal sa OT, kampeon sa Fr. Martin Cup

SINAMANTALA ng University of the East Red Warriors ang apat na turnovers ng San Sebastian College Stags upang hablutin ang 77-72 overtime win at tanghaling kampeon sa 10th Fr. Martin Division 2 Cup kahapon.

Nangalabaw si six-foot-five Warrior center Charlies Mammie ng 22 points upang buhatin sa panalo UE sa senior division na ginanap sa Trinity University of Asia gymnasium sa Quezon City.

Sumahog din ng 17 points si Ralph Olivarez na sumalpak ng two pts. para umabante ng tatlong puntos ang UE, 75-72 may 16.7 segundo na lang ang nalalabing oras sa final canto.

Sinundan pa ng 21-anyos Olivarez ng dalawang free throws upang iselyo ang laban.

Si Jaymar Perez ang nagbida sa opensa ng Stags na may 24 points.

Naitabla ni Perez sa 65 all ng isalpak nito ang dalawang puntos mula sa sarili niyang sablay at makapuwersa ng extra period.

Sumampa sa finals ang Stags na lumalamang pa, 70-69 sa huling 3:05 minuto, matapos nilang talunin sa semifinals ang Jose Rizal University Heavy Bombers.

Sa unang sultada pinayuko ng Hope Christian School ang Chiang Kai Shek, 68-60, sa junior division title.

Kumana ng 20 puntos si Arjan de la Cruz para sa Hope.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply