Umawat sa away sa Caloocan, todas

PATAY ang isang lalaki matapos barilin nang umawat ang una sa away ng isa sa mga  suspek sa Caloocan City kagabi, Oktubre 22.

Dead on arrival sa Nodado Hospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan si Allan Panis, 46 Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman si Elmer Quino, 45 habang nakatakas ang kasamang si Eric Sagabin, Edmon Sagabin, Mark Braseno at alyas Raca at alyas kanong hilaw pawang kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, pinagbabato ng mga suspek ang bahay ng biktima na naging dahilan lumabas ang huli.

Pinagtulungan bugbugin ng mga suspek ang biktima at bago umalis ay isa ang bumaril.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa NH.

Nabatid na bago ang insidente ay umawat ang suspek sa away ni Quino at kapatid na si Aldrin Quino na minasama ng mga suspek na naging dahilan upang buweltahan si Panis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply