UNA tinanggihan na ni Tañada

SA KABILA ng diumano’y pagbalewala sa kaniya sa Liberal Party, pormal nang tinanggihan ngayon ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. Erin Tañada ang alok ng United Nationalist Coalition (UNA).

Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ni Tañada sina San Juan Rep. JV Ejercito, Vice President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada, ang mga nag-alok sa kanya na tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng UNA.

“But as a true believer that we must persist in having consistent political parties as part of our national building effort and as an advocate for political party and campaign reform, I had respectfully declined their invitation,” sinabi ni Tañada.

Magugunitang inalok ng UNA si Tañada matapos hindi mapabilang ang pangalan nito sa senatorial slate ng Liberal Party gayong isa siyang tunay na miyembro ng partido.

Pinasalamatan din ng kongresista ang suporta at ang mga nag-udyok sa kanya na kumandidato sa pagkasenador.

Maging sina Speaker Sonny Belmonte, Rep. Teddy Baguilat at Bayan Muna Rep. Neri Colminares ay pinasalamatan din ni Tañada na aniya’y mga nag-endorso ng kanyang pangalan upang isama siya sa senatorial slate ng LP.

“After serious reflection and consultation with my family, friends and supporters, I have decided NOT to pursue my Senate bid even as an independent candidate.”

Magkagayunman, tiniyak ni Tañada na magpapatuloy ang kanyang pagsisilbi sa malinis na paraan para sa ikabubuti ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply