Unang misa para kay Calungsod, idinaos

INIULAT ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tinatayang may 1,000 katao ang dumalo sa unang misa sa Triduum masses na nakatakdang idaos bago ang kanonisasyon ni Blessed Pedro Calungsod sa Oktubre 21, Linggo.

Nabatid na si Palo Archbishop John Du ang nanguna sa pagdiriwang ng unang banal na misa na ginanap sa Basilica of Saint Agostino, kasama ang siyam pang Obispo at 38 pari.

Dumalo rin sa naturang misa sina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales at Cebu Archbishop Emeritus  Ricardo Cardinal Vidal.

Si Maasin Bishop Precioso Cantillas ang nagbigay ng homiliya sa unang misa sa Triduum masses.

Sa kanyang homiliya, iginiit ni Cantillas na ang pananampalataya ay dapat i-broadcast, hindi lamang mula sa pulpito, kundi maging sa radio at internet.

Umapela rin ito para sa mas agresibong mass media faith education.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply