Unang panalo sisikwatin ng Tropang Texters

TULOY-TULOY ang aksyon sa third day ng PBA Philippine Cup dahil mula pa noong Linggo ay mainitan ang labanan ng mga koponan.

Bukas ng 5:15 ng hapon, ang Meralco Bolts at Talk ‘N Text Tropang Texters naman ang mag-uunahan upang ilista ang unang panalo sa season 38 na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

Maglalaban naman sa main event ang Alaska Aces at bagong pangalang San Mig Coffee Mixers, dating B-Meg Llamados.

Nakauna na ng panalo ang Barangay Ginebra Gin Kings sa sa opening day ng talunin nila ang bagong tatag na Global Port Batang Pier, 110-90.

Kahapon ay sumunod naman ang Barako Bull Energy Cola at Rain or Shine Elasto Painters.

Nakatakas sa silat ang Energy Cola ng talunin ang Air21 Express, 90-87 habang rumemate naman ang Elasto Painter kontra Petron Blaze Boosters, 102-86.

Nakaahon ang RoS mula sa six-point deficit, 49-55 subalit nagtulong sina Jeff Chan, Jireh Ibañes at Jervy Cruz sa 20-3 run upang maagaw ang lamang sa Boosters, 69-58 may 2:47 na lang sa orasan sa third canto.

Dahil sa panalo ng Rain or Shine ay malungkot ang debut game nina coach Olsen Racela at top rookie Junmar Fajardo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply