Undas gunitain ng matiwasay – Arch. Cruz

MULING nanawagan si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa publiko na gunitain ng matiwasay ang Araw ng mga Patay sa Nobyembre 2.

Ayon kay Cruz,  ang panalangin ang pinakamahalagang alay ng mga kaanak para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Nilinaw naman ng dating arsobispo na walang masama kung magsama-sama ang buong pamilya sa mga sementeryo na ang layunin ay pagdarasal para sa mga yumao.

Samantala, aminado si Cruz na hindi basta maaaring kasuhan ang mga pari na nag-aalok ng basbas sa mga puntod tuwing Undas.

Ayon kay Cruz, may ilang pari mula sa ibang sekta ang nagtutungo sa mga sementeryo upang magbendisyon sa mga puntod ng yumao.

Gayunman, hindi umano ito nangangahulugan na mga peke ang mga ito.

Dahil dito, pinagbawalan na ng mga obispo sa Pilipinas ang mga pari na magtungo sa mga sementeryo upang magbendisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply