Undas hotlines vs kolorum, abusadong drivers ikinasa

MADALI nang makapagrereklamo ang mga biyaherong  pauwi ng kani-kanilang mga probinsiya sa Undas  dahil maglalagay ng text  hotlines ang Land Transportation Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) laban  sa mga abusadong drivers at mga colorum na sasakyan na mananamantala ng mga mananakay.

Ayon kay Sonia del Mundo, tagapagsalita ng LTFRB, maaari na aniyang magreport sa ahensiya  ang may reklamong commuters sa pamamagitan ng kanilang public assistance sa pamamagitan ng pag-text lamang sa numerong 0918-4487777, ngayong Undas .

“Kunin ang plate number, yan ang importante. Ibe-verify ang text ninyo at tatawagan kayo,” ayon kay Del Mundo.

Dagdag pa ni Del Mundo na maaari rin aniyang tumawag sa kanilang LTFRB landline 4262515.

Nilinaw ni Del Mundo na ang nasabing  text number aniya ay kaiba doon sa ginagamit nilang  “regular” hotline na 0921 -4487777 laban din sa mga abusadong drivers ng pampublikong mga sasakyan.

Inasahan aniya ang pagdagsa ng mga  Filipino sa ibat-ibang mga probinsya para magbigay galang sa kanilang mga namayapa na nasa mga sementeryo sa susunod na linggo.

Ani Del Mundo maghihigpit aniya sila laban sa mga colorum  na sasakyan na maaaring samantalahin ang inaasahang  kakulangan ng sasakyan na bibiyahe sa malalayong probinsiya ngayong Undas.

Samantala inabisuhan ni Del Mundo ang mga mananakay  suriin muna ang mga plaka ng sasakyan ng UV Express Asian utility vehicle kung ito ay lehitimo o kolorum.

Kasunod nito binalaan ni Del Mundo ang mga colorum operators na magbabayad ng P300 bawat araw ang mga sasakyan nila na mai-impound sa ahensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply