‘Undas online’ inilunsad ng CBCP

INILUNSAD na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang website na undasonline.com para sa mga Filipino na hindi makauuwi sa kanilang mga lalawigan sa Araw ng mga Patay.

Ayon sa CBCP, inilunsad ang naturang website bilang gabay ng mga Pinoy sa iba’t ibang dasal, novena at mga tradisyon ng mga Katoliko tuwing Undas.

Inilunsad din ang website para sa mga Filipino seafarer at mga nasa labas ng bansa.

Nakiusap naman ang CBCP sa mga website hackers na maging mahinahon kontra sa pagpapatupad ng kontrobersiyal na Cybercrime Law.

Ayon kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY), mareresolba ang usapin sa mahinahon na paraan at hindi ang pagprotesta sa pamamagitan ng pag-hack ng mga website na nagsisilbing gabay ng maraming mga mamamayan.

Hindi rin aniya niya nagustuhan ang ginagawa ng mga hacker dahil nakakaapekto umano ito sa serbisyo ng isang ahensya ng gobyerno na umaasa lamang sa pamamagitan ng websites.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply