Unyon ng mga guro, kinilala ng CSC

BINIGYAN na ng Civil Service Commission ng sertipiko ng pagkilala ang pinakamalaking unyon sa kasaysayan ng bansa.

Sinabing makasaysayang tagumpay ang paggawad ng sertipiko sa ACT National Capital Region Teachers’ Union noong ika-17 ng Setyembre.

Kinakatawan nito ang higit limampung libong gurong pampubliko sa buong rehiyon ng Kamaynilaan.

Napatunayan ng ACT-NCR Teachers’ Union na kasapi nila ang mahigit sa limampung porsyento ng mga guro sa buong rehiyon at sila na ang kumakatawan sa mga guro sa collective negotiating agreement sa Department of Education.

Sa nakaraang ika-labintatlong kongreso ng Alliance of Concerned Teachers dalawang Sabado na ang nakakaraan, nangako rin ang mga kasapi nito na magtayo na ng unyon sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Inaasahang ipapanukala ng unyon ang dagdag na benepisyo at pagkilala ng mga karapatan ng mga guro, kaalinsabay ng kanilang kampanya para sa mas mataas na sahod, badyet sa edukasyon at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply