UP scholar tigbak sa trike

NALASOG ang katawan ng isang estudyante at scholar ng UP Baguio habang sugatan naman ang kaangkas nito nang sumalpok angsinasakyan nilang motorsiklo sa harapan na traysikel sa Pangasinan, Lunes ng gabi (Oktubre 22).

Dead on the spot saahi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Mark Ryan Paquiz, 19-anyos, scholar ng UP Baguio.

Habang sugatan naman pero nagpapagaling na lang sa ospital ang kaangkas ni Paquiz na si Alvin dela Cruz, 20-anyos.

Sumuko naman at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, serious physical injury at damage to property ang tsuper ng traysikel na si Ryan Torio. Minor injuries lamang ang tinamo ng dalawang sakay ni Torio.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 nitontg Lunes ng gabi sa bayan ng Tayug.

Bago ito, namasyal at bumisita lamang sa mga kaibigan sa lugar sina Paquiz at Dela Cruz.

Subalit habang binabagtas ang kalsada, ay hindi nila napansin ang kasalubong na traysikel na minamaneho ni Torio na dalawang flashlight lamang ang ginamit na ilaw sa pamamasada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply