Upang maibsan ang pagbaha: LGU’s at NGA’s nagpulong sa Caloocan

UPANG maibsan ang nararanasang pagbaha sa kalakhang Maynila ay nagsagawa ng pulong at talakayan ang mga kinatawan ng Local Government Units (LGU’s) at National Government Agencies (NGA’s) sa Caloocan City Biyernes ng umaga.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, malaking tulong ang ginanap na pulong kung saan ay pinagplanuhan ang mga dapat gawin sa tuwing magkakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Kasama sa tinalakay ay ang mga paraan at plano kung paano mabibigyan ng solusyon ang pag-apaw ng tubig baha sa Malabon-Navotas-Tullahan-Tinajeros (MANATUTI) river system.

Kabilang sa mga dumalo sa ginanap na pulong ay sina Manila Bay Coordinating Office Executive Director Noel Antonio Gaerlan, Department of the Interior and Local Government (DILG) National Capital Region (NCR) Regional Director Renato Brion, Regional Executive Director, Department of Environment and Natural Resources (DENR) NCR Neria Andin, mga kinatawan ng LGU’s sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area at Quezon City.

Tinalakay din sa pagdiriwang ang mga paraan kung paano maiiwasan ang pagbaha sa kalakyang Maynila at kung ano ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Pinagpalanuhan din ng mga dumalo sa ginanap na pulong ang mga nakalinyang proyekto ng pamahalaan upang mabigyan ng solusyon ang problema ng mga residente sa pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Bukod dito, natalakay din dito ang problema sa mga pamilyang nakatira sa mga tabi ng daluyan ng tubig, basura na siyang nagiging dahilan ng mabilis na pagbaha at iba pa na magiging daan upang mabigyan ng solusyon ang pagbaha.

Inaasahan ng mga dumalo sa pulong at talakayan ay mabibigyan ng solusyon ang pagbaha sa kalakhang Maynila sa pamamagitan ng mga binuong plano sa iba’t-ibang lugar partikular na sa CAMANAVA area at Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply