UPDATE: 28 na sugatan sa salpukan ng 2 bus

UMABOT na sa 28 ang sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa kanto ng EDSA at East Avenue, Quezon City Martes ng umaga.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable Anthony Maquinto, magbababa lamang ng pasahero ang CEM Transport bus sa gilid ng East Avenue nang salpukin ito sa likuran ng Nova bus.

Agad isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga sugatan na karamihan ay mga pasahero ng CEM bus, kasama na ang driver ng Nova bus na si Danilo Ongoñon, Jr.

Sa report, mabilis ang pagmamaneho ni Ongoñon nang maganap ang aksidente.

Dinala rin ng mga awtoridad ang driver ng CEM bus na si Jeffrey Mendoza sa Camp Karingal.

Kinuha rin ng awtoridad ang dalawang bus habang iniimbestigahan ang insidente.

Dahil sa nasabing aksidente, nagkaroon ng pagsisikip sa trapiko sa EDSA kanina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply