UPDATE: 3 patay sa sunog sa Rosario, Pasig

PATAY ang tatlong miyembro ng pamilya kabilang ang 17-anyos na dalagita matapos sadyaing sunugin ng kanilang stepfather ang kanilang bahay kaninang hapon sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig City Fire chief F/chief Insp. Roy Quisto ang mga biktima na sina Jess Albay at ang live-in partner nito na si Cecille Babon kapwa nasa hustong gulang at ang dalagita na si Gesille Babon, pawang ng #4218 SPS compound, Brgy. Rosario ng nasabing lungsod.

Sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-3:34 ng hapon kanina at nakontrol dakong alas-4:00 ng hapon at nadeklarang fire out dakong alas-4:03.

Sa paunang imbestigasyon, ang sunog ay sinadya ni Albay matapos saksakin ang kinakasama at ang anak nitong si Gessille.

Ayon kay Maj. Quisto, ipinad-lock pa ng lalake ang gate at ang pintuan ng bahay kung kaya hindi na nagawang makalabas ng mga biktima.

Nauna rito ay narinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang magkalive-in na nauwi sa pananaksak.

“Me mga tama ng saksak ang dalawang babae kaya maaaring sinadya ng lalake na sunugin ang bahay, kasi araw na araw ay naka-padlock ang gate” ani Maj. Quisto.

Tinangka ring tumulong ng mga kapitbahay subalit sa tuwing tatangkain nilang buksan ang gate ay inaambaan sila ng saksak ni Albay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply