Update: Alyssa Alano grabe sa aksidente

KRITIKAL ang kondisyon ngayon ng television host actress na si Alyssa Alano nang sumalpok ang kotseng minameneho nito sa isang Metro Manila Development Authority (MMDA) concrete barrier na nakalatag sa Marcos highway sa Marikina City kaninang madaling araw.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa malamang ang tunay na lagay ni Alano pero ayon sa ulat, may tubo na tumarak sa tiyan nito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 4 ng madaling araw sa tapat ng SM City sa Marcos highway sa Marikina City.

Ayon sa imbestigasyon ng Marikina City Police, lulan sa kanyang sports utility vehicle si Ms Alano at tinatahak  ang nasabing kalsada nang hindi nito napansin ang nakalatag na mga MMDA concrete barrier sa gitna ng kalsada.

Sa pagkakasalpok ng kanyang SUV, tumusok ang isang tubo ng naturang concrete barrier sa tiyan ni Alano.

Maliban kay Alano, isa pang kotse ang nasangkot sa aksidente at ang apat na pasahero nito ang nasaktan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply