Update: Bagitong carjackers, tumodas sa QC trader

PINANINIWALAANG mga bagitong recruit na carjackers ang bumaril at nakapatay sa isang negosyanteng tinangayan ng sports utility van (SUV) sa Quezon City nitong nakaraang Martes ng gabi, Oktubre 16.

Pero hindi pa makumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) kung kaninong grupo ng carnapping syndicate kasapi ang mga armadong kalalakihan na  rumaratrat sa biktimang si Genesis Olbedencia, 36-anyos ng Almar Subdivision Camarin, Caloocan City. Dead on the spot si Olbedencia sanhi ng tinamong tama ng baril sa mukha at likod.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), lumalabas na kaya binaril si Olbedencia sa kabila ng nakuha na ang bagong Mitsubishi Montero nito, dahil tila nataranta ang mga suspect nang magsisigaw ito at tumakbo palayo sa kanila.

Dahil dito, pinag-iingat ngayon ng QCPD ang publiko partikular ang mga may-ari ng magagara at bagong sasakyan na maging mapagmasid sa kapaligiran lalo na sa mga indibidwal nanapapansin na may kahina-hinala ang kilos.

Binaril si Olbedencia nitong alas 11: 20 ng Martes ng gabi sa Biliongco St., Don Fabian Extention, Barangay Commonwealth matapos tutukan ng baril at tangayin ang kanyang sasakyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply