UPDATE: ‘Marce’ hindi tatama sa kalupaan

MALAKI ang kumpiyansa ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi tatama sa kalupaan ang bagyong Marce.

Ayon sa PAGASA, babaybayin lamang ni Marce ang West Philippine Sea at sa loob ng isa o dalawang araw ay magbabalik uli ito palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) papunta muling West. Phil. Sea.

Si Marce ay huling namataan sa layong 310 kilometers west ng Iba, Zambales.

Ayon sa PAGASA, sumusubsob ang bagyong Marce pakanan na ang ibig sa sabihin ay papuntang Metro Manila.

Ngunit dahil sa high pressure area, ayon sa PAGASA, ay paikot at pabalik ng Vietnam ang bagyo.

Bagamat walang itinaas na warning signal ang PAGASA, nagbabala pa rin ito sa publiko kaugnay na magiging epekto ng bagyo.

Babala ng PAGASA, pag-iibayuhin ng bagyo ang hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa Western Section ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Red alert sa bagyo

Naka-red alert na ngayon ang local Disaster Risk Reduction and Management Council, maging ang mga local offices at 5th Infantry Division sa CAR, Regions 1, 2 at 3 kasama na ang NCR dahil sa malakas na ulan.

Isinara na rin ng Philippine Coast Guard ang mga pantalan sa Northern Luzon dahil sa masamang panahon.

Pinayuhan rin ng mga kinauukulan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot upang maiwasan ang anomang sakuna.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply