UPDATE: Bagyong Ofel bahagyang lumakas

BAHAGYANG lumakas ang bagyong Ofel na ngayo’y kumikilos patungong West Philippine Sea sa bilis na 22 kilometers per hour.

Sa update ng PAGASA ngayong alas-11:00 ng umaga, taglay ng bagyong Ofel ang maximum sustained winds na 75 kph malapit sa gitna at may gustiness o pagbugsong aabot sa 90 kph.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo 40 km kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Signo No. 2
– Batangas
– Lubang Island
– Marinduque
– Occidental Mindoro
– Oriental Mindoro
– Romblon

Signal 1
– Metro Manila
– Bataan
– Southern Quezon
– Burias Island
– Masbate
– Aklan
– Capiz
– Iloilo
– Calamian Group of Islands

Bukas, Biyernes inaasahang nasa 510 km ng kanluran ng Metro Manila ang bagyo.

Nag-landfall

Kanina, muling nag-landfall o tumama sa kalupaan ang sentro ng bagyong Ofel sa Mindoro.

Una nang tumama na sa kalupaan ng Siargao ang bagyo kahapon (Oktubre 24).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply