Update: Cagayan Valley, Bicol, inalerto sa Typhoon Nina

INALERTO ng disaster management officials ang mga residente ng Cagayan Valley at Bicol sa masamang panahon na dulot ng Typhoon Nina (Prapiroon), ayon sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang alas  6 a.m. Tuesday update, sinabi ng  NDRRMC na noon pang Oktubre 3 nila ikinasa ang red alert sa posibleng epekto ng Typhoon Nina.

Ayon sa NDRRMC, pinayuhan na ng regional disaster risk reduction and management councils ang mga barangay officials ng dalawang rehiyon sa masamang panahon at sa pagbaha.

Inalerto na rin ng NDRRMC ang mag residente ng Cagayan Valley, na nasa mababang lugar at bulubunduking lugar laban sa flash floods and landslides.

Habang inalerto rin ang mga nakatira sa tabi ng karagatan laban sa malalaking alon at storm surges.

Sa Bicol, sinabi ng NDRRMC na ang Office of Civil Defense ay naka-white alert status, at pinananatili ang mga duty personnel sa isang 24/7 basis para ma-monitor ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply