UPDATE: Dinukot na gas station owner, sekretarya sa N. Cotabato, pinalaya na

PINAKAWALAN ng mga kidnapper ang kanilang dinukot na may-ari ng gasoline station at ang sekratrya nito sa Libungan, North Cotabato mahigit isang linggo na ang nakararaan, ayon sa ulat kaninang umaga ng isang local official.

Sinabi ni Libungan town Mayor Manuel dela Cerna na inabandona ng mga kidnapper ang kanilang bihag na sina Alma Datuwato Cuan,70-anyos at ang kanyang sekretarya na si Cristabelle Joloran, 19-anyos sa isang masukal na lugar sa Datu Piang town sa Maguindanao nitong nakaraang Miyerkules ng umaga .

Pinalaya ang mag-amo dahil na rin sa intersesyon ng joint ceasefire committee ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng kapulisan.

Bukod pa rito, sinabi ni Dela na napilitan ang mga kidnapper na pakawlan ang kanilang bihag dahil na rin sa ikinasang pagpupursige ng militar at ng MILF sa pagtugis sa mga suspek.

Ang mag-amo ay dinukot sa Cuan’s Petron gasoline station sa Libungan town noong Oktubre 2.

Ang mga kidnapper, na pinaniniwalaang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement, ay binitbit ang kanilang biktima sa marshy border ng North Cotabato at Maguindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply