UPDATE: Dyip nanuwag sa kalsada, 4 todas, 2 sugatan

APAT katao ang namatay kabilang ang dalawang paslit at isang buntis habang sugatan naman ang dalawa pa nang suwagin ng isang rumaragasang pampasaherong jeep habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada sa Isabela Miyerkules ng hapon (Oktubre 17).

Isinugod sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Oliver Cabasal, 11-anyos; Linda Cabasal; Jonalyn Sales, 20-anyos at ang nagdadalantaong si Rhea Salas, 26-anyos pero pawang namatay din makalipas ang ilang minuto.

Samantala, ang dalawa namang sugatan na sina Delia dela Cruz, 33-anyos at Mary Ann Alvarez, 37-anyos ay mabuti na ang mga kalagayan sa nasabing ospital.

Sumuko naman agad sa pulisya ang drayber ng dyip na si Claudio Lucas, 51-anyos residente ng Barangay Bangag sa Ilagan town. Ipinasuri rin ito agad sa alcohol breath test para malaman kung ito ay nakainom ng alak nang maganap ang insidente.

Ayon kay Isabela provincial police chief Senior Superintendent Franklin, naganap ang insidente dakong alas  5:00 ng hapon kahapon sa national highway ng Barangay Manaring.

Bago ito, minamaneho ni Lucas ang kanyang pampasaherong jeep at binabagtas ang south bound lane ng naturang highway nang sa hindi pa malamang dahilan ay bigla nitong maararo ang mga biktimang naglalakad sa gilid ng kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply