UPDATE: Hotel sa CDO pinasabugan; 2 todas, 2 sugatan

(UPDATE) DALAWA katao ang namatay habang dalawang pulis ang nasugatan nang sumabog ang improvised explosive device (IED) na itinanim sa tapat ng isang hotel sa Cagayan de Oro City, kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng shrapnels sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang sina Rudy Jote, empleyado ng Maxandrea hotel sa kanto ng J. R Borja at Aguinaldo streets; at isang nagngangalang Tatang, 60-anyos, isang jeepney conductor.

Sugatan naman sa pagsabog sina PO1’s Rogelio Galilando at Dexter Dano na kapwa nahagip ng shrapnels sa binti at paa.

Wala pang ideya ang pulisya sa kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog pero may hinala na ang may kagagawan ay ang mga hindi pa nakikilalang kalalakihan na nakitang aaligid-aligid bago sumabog ang bomba sa naturang hotel.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:50 ng madaling araw sa tapat ng naturang hotel

Bago ito, napansin ng isang nagngangalang Victoriano del Rosario ang isang plastic bag na naiwan sa tabi ng naturang hotel.

Nagduda, ipinaalam ni Del Rosario sa mga security guard ng naturang hotel ang kanyang nakita.

“At first, we thought it was a pair of shoes but when we poked inside, we saw a ‘kaldero’ (casserole) and a cellphone inside. It looked like an explosive device to us so we called up the police,” pahayag pa ni Del Rosario.

Pero nang dumating na ang awtoridad ay biglang sumabog ang bomba at tinamaan si Jote na noon at naglalakad at ang nakaistmabay na si Tatang habang nasugatan naman sina PO1 Dano at Galilando sa kanilang binti.

Dalawang anggulo ngayon ang tinitignan ng pulisya at ang isa ay ang pag-atake para talaga sa naturang hotel at ang pangalawa naman ay binubulabog lamang ng mga suspect ang police security measures na ikinasa sa paligid ng lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply