UPDATE: Lakas napanatili ng bagyong Nina; lalabas ng bansa sa Linggo

MALAKAS pa rin ang typhoon Nina habang papalayo na ito sa bansa patungong kanluran, hilagang kanluran sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ng bagyong Nina ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 170 kph.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 700 kilometers ng silangan ng isla ng Calayan sa Cagayan.

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas ang bagyong Nina sa Philippine Area of Responsibility sa Linggo.

Wala namang nakataas na babala ng bagyo sa alinmang panig ng bansa dahil ayon sa PAGASA, malayo naman ang distansya nito sa kalupaan at posibleng hindi ito direktang humataw sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply