UPDATE: ‘Marce’ lalabas sa bansa sa Biyernes

SA BIYERNES pa ng umaga inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marce, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kaninang alas-onse ng umaga, namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 270 kilometro kanluran ng Iba, Zambales, taglay ang lakas ng hanging 85 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 100 kph.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong timog-silangan sa bilis na pitong kilometro kada oras.

Wala namang naitalang public storm warning signal na nakataas sa alinmang bahagi ng bansa.

Ngunit inaasahan pa rin umanong magdudulot ito ng maalon hanggang sa napakaalon na karagatan sa western seabord ng Luzon.

Pinapayuhan din ng PAGASA ang mag mangingisda na huwag pumalaot habang may bagyo pa.

Samantala, sinabi rin ni Perez na palalakasin ni “Marce” ang Habagat kaya magkakaroon ng malakas na ulan.

Sa hiwalay na report, isa pang bagyo ang namataan malapit sa silangang bahagi ng bansa.

May international name itong “Maliksi” ngunit malayo pa ito sa PAR at inaasahang hindi papasok sa bansa.

Hindi pa umano ito nakaaapekto sa Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply