UPDATE: ‘Marce’ napanatili ang lakas; storm signal inalis na

NAPANATILI ni bagyong Marce ang lakas nitong 95 kilometers per hour at pagbugsong 120 kph.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ni Marce sa layong 300 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales.

Mabagal ang galaw ng bagyong Marce pa-kanluran sa bilis na five kilometers.

Inalis naman ng PAGASA ang lahat ng storm warning signal sa Central Luzon Region kaugnay ng bagyo.

Ayon sa PAGASA, bahagyang lumayo sa kalupaan ang bagyo sa nakalipas na anim na oras.

Gayunman, malaki pa rin ang tiyansang makararanas ng maulan na maghapon ngayong araw, sa pagtaya ng PAGASA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply