UPDATE: ‘Marce’ paalis na; storm signal ibinalik

BAGAMA’T humina na ang bagyong Marce na ngayon ay nasa bahagi ng West Philippine Sea, muling itinaas ng PAGASA ang public storm warning sa ilang lugar sa Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 170 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales (15.0°N, 118.3°E), taglay ang maximum sustained winds na 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 100 kph.

Mabagal umano ang usad ng bagyo patungo sa pangkalahatang direksyon na pa-kanluran, kaya nakataas muli ang storm signal No. 1 sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Samantala, nagpatupad ng preemptive evacuation ang mga awtoridad sa Mindoro Occidental dahil sa pagguho ng isang bahagi ng dike sa bayan ng San Jose.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bumigay ang dike dahil sa malakas na buhos ng ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply