UPDATE: ‘Marce’ um-exit na sa bansa; 1 patay

ISA ang naitalang nasawi makaraang manalasa ang bagyong Marce na kasalukuyang nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), natagpuang bangkay na sa dalampasigan ng Barangay Wawa, Nasugbo, Batangas si Dante Sarasa, 29.

Nabatid na lumubog umano ang sinasakyang motorbanca ng biktima dahil sa malalaking alon na pauwi na sana kasama ang dalawa pang mangingisda na kinilalang sina Gerardo Melgar at Ariel Gusare.

Nasa 28 bahay naman ang naitalang napinsala ng bagyo sa Barangay Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply