Update: Mass walk-out vs privatization, ikinasa ng health workers

NAKAAMBA na ang gagawing kilos protesta ng ibat-ibang sektor upang pigilan ang nakatakdang pagsasapribado ng may 26 na hospital ng gubyerno sa bansa.

Bukod sa Alliance of Health Workers makikilahok din sa gagawing protesta ang militanteng grupo tulad ng KMU, Bayan, Kadamay, Gabriela at iba pa na sumusuporta sa anila’y negatibong epekto sa taumbayan ng Public-Private Partnership program na isinusulong ng administrasyong Aquino

Ayon kay Alliance of Health Worker President Jossel Ebesate bukod sa pagtataas ng bayarin sa pampublikong ospital dahil sa pagkawala ng charity wards, magkakaroon din ng malawakang tanggalan sa trabaho sa mga health workers kapag naipasa na ang tatlong panukalang batas na nakabimbin sa Mababa at Mataas na kapulungan ng Kongreso

Dahil dito, magsasagawa ng lunch break protest sa Oktubre 25, ang mga kawani ng ibat-ibang hospital sa ilang lugar sa bansa bilang paghahanda sa mas malaki pang walk-out protest na ikinasa naman sa Nobyembre 25.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply