UPDATE: ‘Nina’ kumikilos pahilagang-silangan

IPINAHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tinatahak ng bagyong “Nina” ang direksyong pa-hilagang-silangan sa bilis na 5 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Nina sa bilis na 710 km silangan ng Itbayat, Batanes.

Humina rin ang bagyo na may taglay na lakas ng hangin na 140 kph at pagbugsong aabot sa 170 kph.

Dagdag pa ng ahensya, ang mga probinsya ng Quirino at Aurora, Kabikulan at silangang Kabisayaan ay makararanas ng paminsan-minsang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na may dagliang pag-ulan o
pagkidlat-pagkulog.

Iiral ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog hanggang timog-kanluran sa Palawan, Kabisayaan at Mindanao at mula naman sa hilaga hanggang hilagang-kanluran at sa mga nalalabing bahagi ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply