UPDATE: ‘Ofel’ papalabas na ng bansa; storm signal inalis na

MAKAAASA nang magandang panahon ang bansa dahil patuloy na kumikilos papalayo ang bagyong Ofel na inaasahang    lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 320 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay ng bagyo ang lakas  ng hanging nasa 75 kilometro  kada oras malapit sa gitna at may pabugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Patungo ang bagyong Ofel sa direksyong Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.

Dahil dito, inalis na ng PAGASA ang lahat ng storm signal sa alinmang bahagi ng bansa.

Bukas, Sabado ng umaga ay inaasahan ang bagyong Ofel ay nasa layong 79 kilometro na ng kanlurang bahagi ng La Union.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply