UPDATE: ‘Ofel’ nagbabanta sa dulo ng Northern Mindanao, Eastern Visayas

SA PAGTAYA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tatama sa kalupaan ang bagyong Ofel sa dulo o northern tip ng Mindanao at Eastern Visayas, bukas, Miyerkules.

Sinabi ni Elvie Enriquez ng PAGASA, ito ay kung hindi magbabago ng direksyon ang bagyo at mapanatili ang kanyang bilis.

Sa update ngayong alas-onse ng umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa 300 kilometers ng silangan ng Tandag, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km per hour malapit sa gitna.

Kumikilos ang bagyo pa=kanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas pa rin ang storm signal number one sa Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Western Samar, Surigao del Norte, Dinagat Island, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Agusan del Norte at Camiguin Island.

Ibinabala naman ng weather bureau ang posibilidad ng flashfloods at landslides sa mga lugar na nasa ilalim ng public storm warning signal number one.

Ayon pa sa PAGASA, ang lugar na nasa 400-km diameter ng bagyo ay inaasahang makararanas ng pag-ulan na 5 hanggang 20 mm bawat oras.

Inaasahan namang lalabas sa teritoryo ng bansa ang bagyong Ofel sa Biyernes o sa Sabado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply