UPDATE: Parak sugatan, 2 arestado sa QC demolition

ISANG pulis ang iniulat na nasugatan habang dalawang residente ang inaresto sa marahas na demolisyon ng may 100 kabahayan sa BIR Road sa Barangay Central, Quezon City, Martes ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Marcelino Perdrozo, hepe ng Kamuning Police Station 10, minor injury lamang aniya ang tinamo ng kanyang tauhan na si Sr. Insp. Abdul matapos itong paluin ng kahoy ng galit na residente.

Dahil nasa mahigit 300 miyembro ng Quezon City Police at NCRPO na kabilang sa crowd dispersal team ay tinuluyan nang i-demolish ang mahigit 100 kabahayan sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, sumugod din ang militanteng grupong KADAMAY sa tanggapan ng DILG upang umapela.

Ayon kay Val Dimayuga, information officer ng KADAMAY, sisingilin nila si Secretary Mar Roxas dahil sa mayroon pa umanong pending dialogue sa pagitan ng mga residente at yumaong si Secretary Jesse Robredo pero binalewala ito ng kalihim kaya’t naituloy ang demolisyon

Agaw-eksena rin ang isang dating konsehala na mayroon umanong bitbit na order mula sa korte para ipatigil ang demolition, ngunit dinedma lamang ito ni QCPD District director Mario dela Vega.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply