UPDATE: Patay kay Ofel 6 na, 9 nawawala

ANIM na ang naitatalang nasawi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) habang siyam ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Ofel.

Base sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, sinabi ni Executive Director Benito Ramos na umakyat na sa anim ang mga nasawi dahil sa bagyo habang patuloy pa ring pinaghahanap ang siyam na mga nawawalang mangingisda.

Pinakahuling napabilang sa nasawi ang isang ginang sa Marinduque na namatay dahil sa hypothermia (sobrang lamig), habang naidagdag din ang dalawang nalunod sa Cebu at Batangas. Dalawa naman ang namatay nang mabagsakan ng puno sa Romblon at Oriental Mindoro.

Sampu naman ang naitalang nasugatan kabilang ang siyam na pasahero nang nabalaho na tren ng Philippine National Railways sa Quezon province.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply