UPDATE: Patay kay ‘Sandy’ sa US, 10 na

TINATAYANG hihigit 10 kabilang na ang tatlong bata ang naitatalang patay sa pananalasa ng bagyong Sandy sa East Coast ng Estados Unidos.

Lima sa mga nasawi ay mula sa New York, isa sa Connecticut at isa sa District of Columbia.

Kinumpirma naman ng tanggapan ni New York Governor Andrew Cuomo na isinara kahapon ang lahat na tulay at mga tunnel sa lungsod na siyang matinding hinahagupit ng bagyo na nag-landfall sa New Jersey.

Ang Battery Park ay lubog na sa tubig kung saan umabot sa higit 13 talampakan ang taas at naglutangan ang maraming sasakyan sa baha sa Manhattan habang malaking bahagi rin ang walang suplay ng kuryente.

Matapos pasukin ng tubig baha ay nag-shutdown ang New York Stock Exchange (NYSE). Umaabot umano sa tatlong talampakan ang baha sa sahig ng NYSE.

Isinara naman ang John F. Kennedy International Airport dahil sa patuloy na pagpasok ng baha at nadagdagan na rin ang bilang ng nagkansela ng flights sa Los Angeles International Airport sa California.

Tinatayang 2.8 milyong mga residente naman ang walang supply ng kuryente dahil pa rin sa nasabing bagyo.

Samantala, ibinalita ng DFA na nananatiling nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino sa East Coast ng Estados Unidos sa kabila ng pananalasa ni Sandy.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, nasa loob ng kani-kanilang mga tahanan ang mga Pilipino sa US at tumatalima sa babala ng embahada.

Ayon kay Hernandez, wala pa silang natanggap na report na may nasaktang Pilipino sa malakas na bagyo na tinatayang nasa 460,000 ang Pinoy ang nakatira ngayon sa East Coast.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply