UPDATE: Patay sa bagyong Ofel 5 na

SUMIRIT pa sa lima ang namatay habang siyam naman ang iniulat na nawawala sa pananalasa ng bagyong “Ofel” (Son-Tinh) kaninang umaga (Oktubre 26).

Sa 8 am update ng NDRRMC, kinilala ang mga kaswalidad na sina Sophia Recto, 88-anyos residente ng Torrijos, Marinduque, na namatay sanhi ng hypothermia; Rigel Saycon, 18-anyos, ng Dumanjug, Cebu City, na namatay sanhi ng pagkalunod; Solustiano Fabellon, 77-anyos,ng Concepcion, Romblon, na nabagsakan ng punongkahoy; Olive Belyn Luna, 18-anyos, residente naman ng Mansalay, Oriental Mindoro; at Roberto Manongsong, ng Batangas City, na nalunod.

Siyam naman ang iniulat na nawawala na pawang mga mangingsida pero hindi nakuha ang mga pangalan.

Sampu naman ang nasaktan kabilang ang mga pasahero ng nadiskaril na Philippine National Train (PNR) sa Quezon province at ito ay sina Genesis Hernandez, 17, ng Orinetal Mindoro na nasugatan sa kaliwang binti, Joan Yalung, 30, Renelee Francisco, 30, Enamanee Monter, Mark Agdeppa, Arminda Granada, Jesus Sevilla, Pelomena Gomez, Pantallon San Pedro, at Ybet Palido.

Maliban kay Hernandez, ang mga sugatang biktima ay sangkot sa pagkadiskaril ng isang PNR train sa Sariaya, Quezon.

“Nadiskaril ang tren dahil sa baha (The train was derailed because the areas was flooded),” Ramos said.

Sa kabila naman ng paglabas ng bagyong ‘Ofel’ sa teritoryo ng Pillipinas, sinabi ni NDRRMC head Benito Ramos na nakaalerto pa rin ang Konseho sa mga susunod pang araw dahil sa dalawang pang kaganapan sa bansa.

Ito ay ang no-fly, no-fish at no-sail zone ng South Korea na magpapalipad ng kanilang rocket na magdadala ng satellite sa kalawakan na magaganap ngayong hapon (Oktubre 26).

Pagtapos nito, mananatili silang nakaaalerto sa Undas (All Saints’ at All Souls’ Days).

Na-stranded naman ang may 11,804 pasahero kasama ang may 60 trak at 196 kotse, 37 bus, 379 rolling cargoes, 25 vessels, at 12 motor bancas.

Nag-iwan din ang bagyong Ofel ng P4,458,547.50 halaga sa agrikultura.

Pitong kabahayan naman ang nawasak at 33 naman ang nasira.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply