UPDATE: PDEA chief Gutierrez, sinibak na

SINIBAK na sa posisyon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief undersecretary Jose Gutierrez.

Ang pagsibak kay Gutierrez ay sa kautusan mismo ni Pangulong Benigno ‘Nonoy’ Aquino III na ipinasilbi kay Executive Secretary Paquito Ocohoa Jr.

Agad namang ipinalit sa pwesto si retired Police Director General for Administration na si Arturo Cacdac.

Nag-igting ang pagtanggal sa posisyon kay Gutierrez bilang PDEA chief matapos ibulgar ng kanyang kasamahan na si PDEA undersecretary Carlos Cadapan hinggil sa pangongotong ng kanyang amo ng P9 milyon kasabwat  ang siyam na PDEA agents sa isang nagngangalang Chinese national na si Michael Tan,  sinasabing isang drug lord.

Matatandaang si Cadapan ay nauna nang ipinasibak ni Gutierrez dahil naman sa bintang na nagbibigay ito ng impormasyon o leakage sa drug syndicate na nakakasira sa legitimate operation ng PDEA.

Bukod pa rito, matatandaaang ibinulgar din ni Cadapan sa Senate hearing ang sobrang pagsusugal ng misis ni Gutierrez sa Casino na si Susie.

Ayon pa kay Cadapan, nagpapatalo ang misis ni Gutierrez ng milyon-milyong piso at kinukuwestyon nito ang pinanggagalingan ng puhunan ng maybahay ng PDEA chief  sa pagsusugal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply