UST student pinagtulungang saksakin ng 5 babaeng estudyante

GINAGAMOT pa rin sa Jose Reyes Hospital ang isang estudyante ng University of Sto. Tomas nang pagsasaksakin ng limang babaeng estudyante na kinabibilangan ng isang nursing student ng Far Eastern University.

Kanina ay tinungo ng awtoridad ang bahay ng isa sa mga suspek sa Sta. Ana Maynila pero hindi muna inaresto ng pulisya nang mangako ang ama nito na kusang isusuko ang suspek.

Sa imbestigasyon, dumaan sa FEU ang biktima na kinilalang si Joan Lourdes Reyes, 6:45 ng gabi nang sabuyan ng pepper spray ng mga suspek saka sinaksak ng isang matalim na bagay.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima habang inaalam pa ang motibo sa pananaksak ng mga suspek na hindi muna pinangalanan.

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply