Utol ni Aljur Abrenica sa Artista Academy kailangan ng make over!

MAY galing sa pag-arte at nakakakanta’t nakasasayaw naman ang utol ni Aljur Abrenica na si Vin Abrenica na kabilang na sa finalists sa Artista Academy sa TV5.

In fairness hindi naman mapapasama si Vin sa parating na Grand Finals ng AA this month kung wala siyang talent. Ang problema lang ay hindi nakuha ni Vin ang kagwapuhan ng nakatatandang utol na si Aljur.

Maganda naman sana ang build ng body ng nasabing aspirant kaso mo nakadi-distract ang malaki nitong ilong. May angulo rin siyang chaka ang dating sa TV screen. So, our unsolicited advice ay total make over dapat ang gawin sa kanya nang magmukha naman siyang artista.

‘Yung isa naman niyang co-male finalists na may dugong foreigner ay may kamukhang macho dancer riyan sa may bandang Blumentritt. Yes, mapagkakamalan mo talagang magkapatid sila ng tinutukoy naming MD.

Saka ano ba naman ang mapapala ng dalawang tatanghaling winner ng Reality Talent Search na ito ng TV5? Oo nga’t magkakamal sila ng salapi pero pagdating sa popularity, bagsak sila.

Let’s face it, lahat ng mga baguhan sa nabanggit na TV station ni Mr. Manny Pangilinan ay pawang starlelet ang dating sa publiko. Yes, walang magagawa si Madam Wilma Galvante para mapasikat ang mga first grand winners sa AA na hawak niya.

Kahit nga si Madam Wilma hindi na pinag-uusapan simula ng mawala siya sa GMA 7, noh?

Period (peram BFFT Pete A) at walang comma gyud!

***

Malaking event magaganap  sa launching ng search for Mr. and Ms. Citizen  of the World sa Glorietta

TRIPLE celebrations ang magaganap this coming October 15 & 16 (Monday and Tuesday) sa Glorietta Mall sa Makati. Una ay ang launching para sa Search for Mr. and Ms. Citizenship Of The World Ni Ms. Marissa del Mar na dinagsa ng mga aplikanteng contestants.

Then, bahagi rin ng event sa mga araw na ito ang first year anniversary ng TV show ni Ms. Marissa sa Aksyon TV ang news channel ng TV 5 na Buhay OFW na napanonood tuwing Sabado from 10 pm to 11 pm.

At balita pa ng dating actresss-turned-businesswoman/talk show host, proud siya dahil sa mataas na ratings ng kanyang programa. Lahat ng mga followers niya sa kanyang dekadang show sa IBC 13 na Up Close and Personal with Marissa del Mar ay nanonood lahat ngayon sa Buhay OFW.

At sa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo sa Buhay OFW, magkakaron sila ng Trade Exhibit na gaganapin rin sa Glorietta kasabay sa nasa bing launching ng Mr. & Ms. Citizenship of The World.

Ang puwedeng mag-join sa naturang Exhibits ay ang mga Manpower Agency, Brokerage, Realty Companies, Business Offering Franchise, Dealership and Distribution, Banks, Insurance and Financial Companies- Offering Investments, Service Companies, Retail Companies, Technology Companies, International Companies, Education Institutions, IT Services and Technology, Health and Wellness Products and a lot more.

Para sa mga interesadong exhibitors na nais mag-avail ng kanilang booth, makukuha sa halagang 25,000 ang side booth na ookupahan at ang corner booth naman ay 30 K. For inquires and other details feel free to call tel. nos. 9869220 or 889-1172 and email at millicentproductions@yahoo.com.

Makikita naman sa website ng OFW ang buong detalye kung papano sumali, ano ang requirements at mga prizes na puwedeng mapanalunan ng dalawang tatanghaling grand winners. Majority ng mga kasali sa event sa Glorietta sa October 15 at 16 na magsisimula ng 10 am onwards ay mga pamilyang OFW.

Lahat ng mga dadalo rito ay bibigyan ng stab para sa raffle at lahat ng mga mabubunot na pangalan ay wagi ng mga special prizes from Buhay OFW ni Kapatid na Marissa at iba’t-ibang sponsors tulad ng Ayala Group of Companies, 2Go Travel, ICCT Colleges, EGI Resort, Hotel City By The Sea Mactan Cebu, Alberto Hotel Baguio, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Condominuim West and South Insula etc.

Be there, have fun and enjoy gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply